Sama-sama ngayong bagong taon sa kulungan ang apat na magkakapatid sa General Trias, Cavite, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Nahulihan kasi ang magkakapatid ng mahigit kalahating milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang buy-bust operation.

Kinilala ang magkakapatid na sina Kenneth, Cedric, Dennis, at Detlef Uchi. 

Nakuha sa kanila ang mahigit na anim na kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang lalagpas sa P700,000.

Nakuha rin ang buy-bust money at mahigit P500 na pinagbentahan umano ng droga.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang magkakapatid. —KBK, GMA News