Isang 75-anyos na frontliner sa Batangas City ang nasawi dahil sa COVID-19, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa city health office, April 29 nang pumanaw ang pasyente pero nitong May 7 lang lumabas ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.

May comorbidity o iba pang iniindang sakit ang pasyente.

Ang nasabing pasyente ang ikalimang namatay sa COVID-19 sa Batangas. Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing ang mga otoridad sa kaniyang mga nakasalamuha. --KBK, GMA News