Hulicam sa Wao, Lanao del Sur ang pananakit umano ng isang pulis sa sinita niyang rider, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Batay sa video, sinuntok at sinabunutan ng pulis ang rider matapos hindi raw ito huminto sa quarantine checkpoint.

Hindi malinaw kung bakit lumagpas sa quarantine checkpoint ang rider pero sinabi niyang may inihahatid siyang pasahero.

Wala pang pahayag ang Wao Police sa insidente. --KBK, GMA News