Sampung katao ang arestado sa Lucena, Quezon dahil umano sa pustahan sa pagpapalipad ng saranggola, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Bukod sa iligal na pustahan, wala rin umanong face masks at hindi nagso-social distancing ang mga nahuli.

Nakuha mula sa naaresto ang mahigit 30 saranggola at mga gamit sa pagpapalipad nito, pati na rin ang mahigit P500 taya.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga naaresto. —KBK, GMA News