Isang batang edad isang taon ang nagka-COVID-19 sa Cuenca, Batangas matapos daw mahawa ng kapitbahay, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Lunes.

Kabilang ang bata sa anim na bagong kaso ng COVID-19 sa Cuenca na may 41 nang kaso.

Sa Batangas City naman, kasama sa 163 na kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 isang batang lalaking 5 taong gulang.

Bukod sa may exposure siya sa isang positibo, lumabas din daw ng Batangas City ang bata. —KBK, GMA News