KALIBO, Aklan —Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa lalawigan ng Aklan, ipinagbabawal muna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang pakikipagkuwentuhan lalo na sa panahon ng lunch time sa lahat ng departamento na sakop ng bayan ng Kalibo.

Ayon kay Terence Toriano, head ng MDRRMO mahalaga ang kooperasyon ng mga empleyado ng Kalibo LGU sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Dahil dito, hinihikayat ang mga empleyado na magpahinga na lamang ng ilang minuto matapos kumain.

Posible rin diumanong kumalat ang virus sa pakikipag kuwentuhan, lalo na kung ito ay magkakaharap. —LBG, GMA News