Aabot sa 39 magsasaka ang nasagip matapos ma-trap sa hanggang leeg na baha sa Santa Ana, Cagayan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nagtulong-tulong ang mga militar at volunteer sa pag-rescue.

Binaha rin ang ibang barangay sa bayan pero humupa rin kalaunan at nakapaglinis na ang mga residente.

Samantala, nagdulot naman ng landslide ang malakas na pag-ulan sa Magpet, Cotabato.

Bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa kalsada pero masuwerteng walang dumadaang sasakyan nang mga oras na iyon.

Agad namang naitabi ang mga naghambalang na bato. —KBK, GMA News