Tatlong lalaki ang dinakip ng mga awtoridad matapos silang mahuli sa akto na nagli-lechon ng aso sa Laur, Nueva Ecija.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Huwebes, sinabing nakita rin ng mga awtoridad sa sinalakay na lugar ang mga gamit sa pagkatay ng aso.

Mahaharap ang tatlo sa paglabag sa Animal Welafare Act at Anti Rabbies Act.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga inaresto.--FRJ GMA News