Trahediya ang sinapit ng isang ina at tatlo niyang anak sa Cebu City nang salpukin sila ng isang mini-truck ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Martes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya ay galing sa swimming si Alona Salon at tatlo niyang anak.

Sakay sila ng isang motorsiklo nang salpukin sila ng mini-truck na minamaneho ni Wilmir Embudo.

Kaagad na pumanaw sa pinangyarihan ng insidente ang bunsong anak, at sa ospital naman binawian ng buhay ang dalawa niyang kapatid at ang kaniyang ina.

Nasa kostudiya naman ng pulisya si Embudo na humihinigi ng tawad sa nangyari dahil nawalan umano ng preno ang kaniyang sasakyan.--FRJ, GMA News