Patay ang tatlong senior citizens na na-trap sa sunog sa kanilang bahay sa Davao City.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" na batay sa imbestigasyon ng Davao City Fire District (DCFD), nagsimula ang apoy sa isang minivan na inaayos noon ng isa sa mga biktima.

Bigla umanong nagliyab ang minivan at nadamay ang bahay ng mag-asawang senior citizen.

Sinubakan pa umano ng mekaniko na sagipin ang mag-asawa pero na-trap din siya.

Nadamay rin ang kusina ng restawran na katabi ng nasunog na bahay. —LBG, GMA News