Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang sariling pamangkin sa San Nicolas, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Rosendo Viernes, isang foreman, habang ang suspek naman ay kinilalang si Justin Andrada.

Ayon sa imbestigasyon, nag-away sina Andrada at ama nito habang nag-iinuman at umawat si Viernes, dahilan para siya na ang awayin ng suspek.

Pumunta si Viernes sa barracks pero sinundan pala siya ng suspek at doon na siya pinagsasaksak.

Tumakas si Andrada pero nadakip din siya. Nakuha sa kaniya ang ginamit niyang patalim.

Ayon sa suspek, hindi niya namalayan ang kaniyang nagawa dahil sa kalasingan. —KBK, GMA News