Arestado ang isang 57-anyos na lalaki dahil sa kasong pangmomolestiya umano sa isang 12-anyos na babae sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, sinabi ng pulisya na Setyembre 2020 nang hipuan at molestiyahin umano ng lalaki ang biktima.

Dalawang arrest warrant inilabas ng korte para dakpin ang suspek na hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga awtoridad.

Isinailalim sa counseling ng social welfare department ang biktima, habang hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong sexual assualt at act of lasciviousness--FRJ, GMA News