Nasawi ang isang rider matapos siyang pumailalim sa truck na nakasalpok umano sa kaniya sa Diversion Road sa Taal, Batangas.

Sa kuha ng CCTV, na ipinakita rin sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles, makikita na parehong nasa kanang lane ang truck at isang motorsiklo.

Maya-maya pa, nabundol ng truck ang rider na si Abraham Atienza, pero natakpan ng isa pang truck ang pangyayari.

Tumilapon ang motorsiklo ng biktima, habang pumailalim ang rider sa truck na kaniyang ikinasawi.

Nakakulong na ang driver ng truck para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. —Jamil Santos/KG, GMA News