Na-hulicam ang panghihipo ng isang motorcycle rider sa naglalakad na babae sa Balagtas, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Batay sa kuha ng CCTV, naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima pauwi galing simbahan nang madaanan siya ng suspek.

Kahit nakalagpas na, bumalik ang rider, tinabihan ang babae, atsaka ito hinipuan.

Agad na umalis ang rider, na hindi nakilala dahil sa suot na helmet at face mask. Wala ring plaka ang gamit niyang motorsiklo.

Nai-report na sa otoridad ang insidente. --KBK, GMA News