BORACAY ISLAND, Aklan —Isang 43-anyos na babaeng turista ang nahulog mula sa gusali ng isang hotel sa isla.

Kaaagad naman umanong nakaresponde ang mga tauhan ng Boracay Fire and Rescue Volunteers Incorporated (BFRAV) at kaagad na dinala sa Ciriaco Tirol Hospital sa Boracay ang biktima.

Ayon sa BFRAV, nakita na daw nilang wala nang malay ang biktima na nakahandusay sa labas ng bakud ng hotel.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay Police, nakainom daw ang biktima at ito ang tinitingnan nilang pangunahing dahilan ng insidente.

Inaalam naman sa ngayon ng Boracay PNP kung may foul play sa pagkahulog ng biktima. —LBG, GMA News