Patay ang isang radio DJ matapos aksidente umanong mabaril ng kaniyang bodyguard sa isang inn sa Tagbilaran, Bohol,  ayon sa ulat sa “Balitanghali” nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Rizalino Torralba o “Inday Ruping.”

Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Andrew Fronteras. Sinabi nitong aksidente niyang nabaril ang biktima.

Batay sa inisiyal na imbestigasyon, nag-away sina Torralba at Fronteras matapos mag-check-in sa inn pagkatapos ng isang show.

Mahaharap si Fronteras sa reklamong murder.—Ma. Angelica Garcia/AOL, GMA News