Isang tinderang wanted sa kasong murder ang naaresto sa Sta. Cruz Laguna.

Sa ulat ni John Consulta sa “24 Oras Weekend” nitong Linggo, ang suspek ay nanaksak noon dahil sa hindi nabayarang utang.

Ayon sa Sta. Cruz Police, August 13, 1997 nang pagsasaksakin umano ng suspek ng 33 beses ang biktimang si Erwin Agkis dahil sa utang na P1,000.

“May ilang information na tumira siya sa labas ng probinsiya, sa Maynila, hanggang sa nitong mga huling taon nakita siya na bumalik siya dito sa Sta. Cruz. Dahil nga limitado ang galaw ng ating mga kababayan ay madali po nating natunton ito pong ating wanted person,” ani Sta. Cruz, Laguna Police chief of police Police Lieutenant Colonel Chit Gaoiran.

Kasalukuyang nakakulong sa Sta. Cruz Police Station ang suspek.

“Gusto po naitng mabigyan ng hustisiya ‘yong ating mga kababayang nagiging biktima po ng krimen so wala pong maliit o malaking kaso sa amin,” ani Gaoiran. — Ma. Angelica Garcia/DVM, GMA News