Patay ang sampung-taong-gulang na babae nang aksidente siyang mabaril ng shotgun ng kaniyang nakababatang kapatid sa Lutayan, Sultan Kudarat.

Sa ulat ni Katrina Son sa GTV "State of the Nation" nitong Miyerkules, sinabing hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na pinaglaruan ng mga batang kapatid ang shotgun na hindi pa batid kung saan nanggaling.

Aksidenteng nakalabit ng isang pitong-taong-gulang na kapatid ang gatilyo ng baril, pumutok at tinamaan ang biktima sa dibdib.

Tanging ang magkakapatid lang umano ang nasa bahay nang mangyari ang trahediya.--FRJ, GMA News