Aabot sa P1-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa mag-asawang umano'y drug dealer sa Maguindanao, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Isang buwan daw na minanmanan ng mga taga-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-asawa Kal at Muslima Zainal bago sila inaresto sa Datu Piang.

Bukod sa umano'y iligal na droga, nakumpiska rin sa mag-asawa ang sasakyan, baril, mga bala, isang cellphone at mga ID.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mag-asawa. —KBK, GMA News