Dahil sa matinding init ng panahon at sobrang tuyo na ang mga damo ay nagkaroon ng grass fire sa Barangay Uhaj, Banaue, Ifugao nitong Lunes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Banaue, tumagal ng halos apat na oras ang grass fire bago tuluyang naapula.

Tumulong rin ang mga pulis at bumbero ng BFP Hungduan, ang lokal na pamahalaan, mga barangay officials at mga residente.

Inaalam pa ngayon kung gaano kalawak ang pinsala ng grass fire.

Patuloy na pinag-iingat ng BFP ang mga residente at pinaalalahanan sila na i-report agad kung mayroong mamo-monitor na grass fire at mga maaaring pagsimulan nito. —Peewee Bacuño/KG, GMA News