Patay ang dalawang magkapatid matapos ma-suffocate sa loob ng isang balon sa Bacnotan, La Union, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Naisipan daw linisin nina Freddie at Federico Espiloy ang balon dahil hirap sila sa tubig.

Una raw bumaba si Freddie pero humingi ito ng tulong dahil hindi na ito makahinga. Tinangka siyang sagipin ni Federico pero nahulog siya habang bumababa. May lalim na 70 talampakan ang balon.

Dahil masikip at malalim ang balon ay naging pahirapan ang pag-rescue sa magkapatid. Kapwa patay na ang dalawa nang maiahon. —KBK, GMA News