Sugatan ang isang batang lalaki nang atakehin ito ng isang baka na napadpad sa loob ng kanilang bahay.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa Talisay City, Cebu.

Nagpapagaling na umano sa ngayon ang bata sa ospital.

Sinagot naman daw ng may-ari ng baka ang gastusin sa ospital at ang pagpapaayos ng mga nasira ng baka sa loob ng bahay.

Samantala, patay naman ang isang kabayo sa Davao City matapos mambundol ng isang taxi.

Batay sa imbestigasyon, nakawala ang kabayo at nagpagala-gala sa gintna ng highway.

Sinubukan pa umanong patabihin ang kabayo, pero bigla raw itong tumawid kaya nasapul ng paparating na taxi.  —LBG, GMA News