Sinagip ng mga pulis at inilikas ang isang ginang sa Biñan, Laguna na na-stroke sa kasagsagan ng pagbuhos ng bagyong "Jolina."

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing hindi na nakalalakad ang ginang dahil sa stroke kaya kailangan siyang alalayan.

Isang pulis ang bumuhat sa kaniya para mailikas na sa lugar habang nakaalalay ang iba pang rescue members.

Dahil may kasikipan sa lugar, hindi rin naging madali ang kanilang paglabas. Pero sa huli, ligtas na naialis sa lugar ang ginang para madala sa ligtas na lugar. --FRJ, GMA News