Umabot na sa anim ang bilang ng mga sanggol na namatay dahil sa COVID-19 sa Bicol region.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, nakapagtala na umano ang Department of Health Center for Development ng Bicol ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ng mga sanggol, at ang pinakabata sa mga nasawi ay isang buwan pa lamang.

Naitala sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon ang mga kaso ng pagkamatay ng mga sanggol ng dahil sa COVID-19. —LBG, GMA News