Huli ang isang 68-anyos na lalaki matapos niyang tangkain umanong gahasain ang isang 33-anyos na babae sa loob ng isang tindahan sa Lazi, Siquijor.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Lunes, sinabing biglang pumasok ang suspek sa tindahan ng babaeng biktima.

Nadinig naman at kaagad na sumaklolo ang ilang kapitbahay ng babae nang sumigaw siya at humingi ng tulong.

Naabutan ng mga kapitbahay ang lalaki sa loob ng tindahan at nagawa itong masapak ng isa.

Pero nakatakas pa muna ang suspek bago siya naaresto kinalaunan.

Nahaharap sa kaukulang reklamo ang suspek na hindi nakuhanan ng pahayag.--FRJ, GMA News