Hindi nag-atubiling tumulong ang isang pulis na isa ring registered nurse nang abutan ng panganganak sa tricycle ang isang buntis sa Cauayan, Isabela.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," sinabing naka-duty noon si Police Corporal Jefferson Gannaban nang may tumawag sa kaniya na isang lalaki dahil manganganak na ang ginang na nasa loob ng tricycle.

Hindi nagdalawang-isip si Gannaban at tinulungan niya ang ginang na pinagkasya ang sarili na makahiga sa loob ng tricycle habang nasa labas ang dalawa niyang paa.

Nasa maayos na kondisyon na ngayon ang mag-ina.--Jamil Santos/FRJ, GMA News