Nasawi ang isang rider at humandusay sa ibabaw ng kotse na bumangga sa minamaneho niyang motorsiklo sa Badoc, Ilocos Norte.

Sa uat ni Ivy Hernando sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Biyernes, kinilala ang nasawing rider na si Jomer Lutrania.

Ayon sa pulisya, nag-overtake ang kotse na minamaneho ni James Patrick Calaycay sa sinusundan nitong tricycle sa bahagi ng Barangay Lacuben.

Pero hindi umano napansin ng driver ang kasalubong na motorsiklo ng biktima na wala umanong headlight.

Sa lakas banggaan, nagkaroon ng malaking pinsala ang harapan ng kotse pero nakaligtas si Calaycay.

Napunta naman sa ibabaw ng kotse ang nasawing biktima.

Nakatakda umanong makipag-usap si Calaycay sa pamilya ng biktima. --FRJ, GMA News