Pumanaw na ang alkalde ng Cebu City na si Edgardo Labella sa edad na 70 nitong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ng kapatid ng alkalde na si Elmer "Jojo" Labella, ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, na binanggit din sa Unang Balita.

Pumanaw si Labella 3:15 ng umaga habang naka-confine sa Perpetual Succour Hospital.

Bago nito, maraming beses na nag-file si Labella ng medical leave nitong taon, dahil sa kaniyang kalusugan.

Nitong Oktubre, nag-file siya ng indefinite leave of absence alinsunod na rin sa payo ng kaniyang mga doktor dahil sa pneumonia.

Tumatayong acting mayor sa kasalukuyan si Cebu City Vice Mayor Mike Rama. — Jamil Santos/VBL, GMA News