QUEZON - Sampung tao ang inaresto ng NBI Task Force on Illegal Drugs at Philippine National Police-Quezon matapos silang makuhanan umano ng tinatayang isang tonelada ng hinihinalang shabu sa isinagawang checkpoint sa Barangay Cumon, Infanta, Quezon nitong Martes ng madaling araw.

Lulan ng tatlong van ang mga naaresto. Sa van na rin nakuha umano ang mga hinihinalang shabu.

Kasalukuyang isinasagawa ang inventory sa NBI Taytay Rizal.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy kung saan nanggaling at dadalhin ang kontrabando na tinangka umanong ilabas ng bayan ng Infanta.

Posibleng nanggaling daw ito sa Pasipiko, ayon sa mga awtoridad. —KG, GMA News