Nasawi ang isang tricycle driver at ang pasahero niyang guro nang mabangga ng dump truck ang kanilang sasakyan sa Tayabas City, Quezon ngayong Martes.

Base sa report ng Tayabas City Police Station, binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Abner Pabellano ang highway sa Kanlurang Palale  patungo sa sentro ng Tayabas dakong 7:00 a.m. nang salpukin sila ng truck na nawalan umano ng preno.

Agad na nasawi si Pabellano, at ang pasahero niyang guro na si Hannah Shane De Ocampo.

Nasagutan pero nakaligtas ang tatlong iba pang pasahero ni Pabellano.

Kinilala ang driver ng dump truck na si Christopher Padua, na nasa kostudiya ng mga awtoridad habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Tumanggi siyang magbigay ng pahayag. --Peewee C. Bacuño/FRJ, GMA News