Nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa labas ng isang polling center sa Tabuan-Lasa sa Basilan nitong Lunes.

Sa ulat ng GMA News Live nitong Martes, sinabi ng pulisya na isa ang nasawi at 13 ang nasaktan sa naturang insidente.

Pawang mga botante umano ang nga biktima, ayon pa sa pulisya.

Sinasabing nangyari ang pamamaril matapos na makaboto ang mga tao.

Ayon sa PNP, umabot sa 51 ang naitalang krimen sa buong bansa nitong Lunes.

Pero hindi raw lahat ay may kaugnayan sa halalan.

Mas mapayapa rin umano ang halalan ngayong taon kumpara noong 2016 national elections.--FRJ, GMA News