Isang nurse ang nasawi matapos makabitiw sa hawakan ng zipline sa isang resort at bumagsak sa semento sa Tabuk City, Kalinga. May safety net sanang sasalo sa biktima pero nabutas.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan," ipinakita ang amatuer video na ipinost sa social media na nakuhanan ang nangyaring trahedya.

Ayon sa pulisya, nakabitiw sa handle ng zipline ang biktima at bumagsak sa semento ng gilid ng swimming pool.

May safety net sa ibaba ng zipline pero napunit ito at nabutas dahil umano sa kalumaan at bigat ng biktima, sabi pa ng pulisya.

Dinala ang biktima sa ospital pero hindi na siya umabot nang buhay.

Ayon sa mga awtoridad, pangalawang paggamit na raw ng biktima sa naturang zipline nang mangyari ang insidente.

Nasa 15 metro umano ang taas ng zipline, at walang harness na suot ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.--FRJ, GMA News