Pabonggahan ng costume ang mga aso at pusa na lumahok sa isang pet show sa Lipa City, Batangas.

Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes na todo rampa ang fur babies na kinagiliwan naman ng mga manonood.

May dog na nakapalda, may naka-majorette, at may naka-Bali costume. May  naka-tribal outfit, at dress with matching shades.

Hindi rin umano nagpahuli ang asong nag-ala doctor, at cowboy.

Agaw-pansin din ang Pomeranian dog na naka-wonder woman ang costume.

Bumida rin ang Persian cat na naka-gown.

Ayon sa ulat, 40 pets ang lumahok. Nakakuha ng cash prizes at giftpacks ang mga nanalo.

Bahagi umano ang pet show sa 75th foundation day ng Lipa, na layong i-promote ang responsible pet ownership. —LBG, GMA News