Nasawi ang isang babaeng motorcycle rider matapos niyang mabangga ang isang pahinante ng truck sa Matnog, Sorsogon.

Sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Mary Ann Marvilla, na papasok sana sa trabaho nang mangyari ang insidente sa Barangay Sulangan.

Nasagi ni Maravilla ang isang pahinante ng truck kaya siya bumagsak at tumama sa kalsada at nagtamo ng malalang pinsala sa katawan.

Isinugod sa ospital ang rider pero idineklara siyang dead on arrival.

Nagtamo naman ng ilang sugat at ligtas na ang nabangga niyang pedestrian.

Nagkasundo ang magkabilang panig kaya walang reklamong isasampa. —Jamil Santos/VBL, GMA News