Naging maparaan ang mga rescuer nang gamitin nila bilang life boat ang isang refrigerator para iligtas ang mga naipit na kabataan sa Hilongos, Leyte.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing isang senior citizen ang inilikas gamit ang plastic chair nang maging lampas-tuhod ang baha.

Isinagawa ang rescue operation nitong Biyernes sa mga barangay sa Talisay, Catandog, at Lunang. — Jamil Santos/VBL, GMA News