Isang masayang bakasyon ba ang hanap mo ngayong holiday season? Dinarayo raw ng mga turistang bumibisita sa Lapu-Lapu City, Cebu ang isang resort dahil sa iba’t ibang amenities.

Ano-ano ang mga dapat abangan sa resort na ito? Alamin.

Sa programang “Dapat Alam Mo!" binisita ni TV host Patricia Tumulak ang Jpark Island Resort and Waterpark na may lawak na 16.6 hectares.

Bukod sa pagiging hotel nito, mayroon din daw itong indoor amusement park at isa ring waterpark resort.

Pwede raw ito sa lahat ng edad at perfect ding tambayan at pasyalan ng mga gustong mag-relax mapa-swimming pool man o sa beach.

“Ang pinaka-main na facility dito sa Jpark is the three water slides. Tapos ‘yung Amazon River, paikot siya sa buong waterpark. And of course, the captain hook’s pool, the toddler’s pool,” ayon kay Kristine “CK” Mangapis, director of revenue management ng naturang resort.

“Everyone can enjoy,” dagdag pa niya. — VBL, GMA Integrated News