Agaw-pansin ang  Christmas tree sa Tagoloan Municipal Police Station sa Misamis Oriental.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes -- batay sa report ng GMA Regional TV One Mindanao -- ang Christmas tree ng police station ay gawa sa mga na-impound na mga motorsiklo na mahigit sampung taon nang nakatambak sa kanilang compound dahil hindi kinukuha ng mga may-ari.

Para umano malinis ang lugar, at maipadama ang diwa ng Pasko ay ginawa nila itong Christmas tree.

Mukhang ordinaryo lamang umano sa araw ang Christmas tree, pero pagdating ng gabi lumilitaw na ang ganda nito kapag pinailawan na. —LBG, GMA Integrated News