Inaresto sa isang ospital sa Laguna ang isang lalaking wanted sa Labo, Camarines Sur para sa kasong murder.

Sa ulat ni Jonathan Andal sa Saksi, sinabing hinuli sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz si alyas "Ariel" na noon pang 2020 may arrest warrant para sa kaniyang kaso.

Nakakulong na ang suspek sa Santa Cruz Police Station.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News