Patay  ang isang lalaki matapos barillin sa ulo ng dati niyang katrabaho sa Tanauan City, Batangas.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, batay sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog,  sinabi na sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nagpapahinga ang biktimang si Adrian Leon at ang kanyang kapatid na si Angelbert sa tinutuluyan nilang barracks, nang biglang pumasok ang salarin at pinagbabaril ang magkapatid.

Sugatan si Angelbert sa insidente, at tumakas naman kaagad ang salarin.

Ayon sa kanya nakita niya ang mukaha ng bumaril sa kanila at kilala nila ito.

Matingding galit ang tinitingnan ng pulisya na motibo ng suspek.

Dagdag ng mga pulis, natanggal sa trabaho ang suspek matapos siyang isumbong ng mga biktima noong Noyembre.

Patuloy ang follow-up operation ng mga pulis para madakip ang suspek. —LBG, GMA Integrated News