PLARIDEL, Quezon - Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos itong sumemplang at magulungan ng pampasaherong bus sa Maharlika Highway, Plaridel, Quezon madaling araw nitong Lunes.

Base sa report ng Plaridel Municipal Police Station, pauwi na sa bayan ng Gumaca, Quezon ang biktima nang dumulas ang gulong nito sa highway.

Tumilapon ang rider at gumulong sa kabilang linya hanggang sa madaanan ito ng paparating na bus. Agad niya itong ikinamatay.

Kasalukuyang naghaharap at nag-uusap sa himpilan ng pulisya ang pamilya ng nasawi at ang pamunuan ang bus company.

Walang pahayag ang driver ng bus. —KG, GMA Integrated News