Sa kulungan ang bagsak ng isang lolo matapos niyang gahasain umano ang sarili niyang 13-anyos na apo sa Pampanga.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nagsumbong ang biktima sa kaniyang guro tungkol sa panghahalay sa kaniya umano ng kaniyang lolo mula noong siyam na taong gulang pa lamang siya.

Nahaharap sa reklamong incestuous rape ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News