Patay ang isang aso na nagkampeon sa fashion dog show, matapos itong masagasaan ng SUV sa Laoag City.

Sa ulat ng Saksi, mapapanood sa CCTV na lumabas ang isang lalaki sa gate, pero sumabay sa kaniya ang aso na tumakbo sa kalsada.

Ilang saglit ang lumipas, nahagip na ng SUV ang aso. Pero sa halip na tumigil ang driver, dumiretso lamang ito.

Naplakahan ang SUV pero hindi pa natutukoy ang driver.

Nagwagi sa dog fashion show sa pista ng Laoag ang aso. —LBG, GMA Integrated News