Dead on the spot ang driver, kritikal naman ang pahinante nito matapos sumalpok sa puno ang isang ten wheeler truck sa Quirino Highway, San Francisco, Tagkawayan, Quezon pasado alas-nuebe ng umaga nitong Miyerkoles.

Nangyari ang aksidente sa pababang bahagi ng highway. Nag overtake raw ang ten wheeler truck at hindi na kumagat ang preno sa bilis at bigat nito.

Dahil wala nang control sa manibela ang driver ay tuluyan na itong sumalpok sa puno.

Kinilala ang driver na nasawi na si Jose Aquino ng Viga, Catanduanes. Nasa pagamutan na ang nakaligtas na pahinante.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Tagkawayan Pulis. —LBG, GMA Integrated News