Pauwi ang isang pari ng Kidapawan diocese nang harangin siya ng mga pulis sa isang checkpoint.

Ang kwento ni Father Jonel Peroy sa kanyang Facebook post na pinababa raw siya ng sasakyan at chinek ang dala niya.

Nagduda raw kasi ang mga pulis sa nakalagay sa kanyang sasakyan na tila isang katawan ng tao na binalot ng plastic.

Pero nakita ng mga pulis na rebulto pala ito ng Santo Entierro o Patay na Kristo na binili daw niya sa Digos City at gagamitin sa darating na Semana Santa.

Humingi naman daw ng paumanhin ang mga pulis. -- BAP, GMA Integrated News