Dead on arrival sa pagamutan ang motorcycle rider habang sugatan ang dalawang angkas nito matapos silang sumalpok sa pader sa gilid ng kalsada sa Barangay Poblacion Cinco, Calauag, Quezon.

Nahagip ng CCTV ang insidente, at sa video makikita ang mabilis na takbo ng motorsiklo sa pakurbang bahagi ng daan.

Hindi na-control ng rider ang manibela kaya sumalpok sila sa pader.

Kaagad namang na-rescue ang mga biktima at naisugod sa pagamutan.

Ayon sa Calauag Municipal Police Station, nangyari ang aksidente dakong alas-dos ng madaling-araw nitong Linggo.

Accident prone area ang pinangyarihan ng aksidente, ayon sa mga awtoridad.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan. Inaalam din kung nakainom ng alak ang mga biktima. —LBG, GMA Integrated News