Nahuli-cam ang pamamaril ng isang lalaki sa isang security guard na naka-duty sa isang mall sa Cotabato City.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Huwebes, sinabing nangyari ang krimen noong Sabado sa parking area ng mall.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang biktimang si  Rahib Guiapal na may inaalalayang sasakyan na paparada.

Mula sa kaniyang likuran, lumapit ang salarin at malapitan siyang binaril sa likod.

Kaagad na tumakas ang salarin nang bumagsak ang biktima na nagtamo ng tama ng bala mula sa kalibre .45 na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan sa salarin.

Isa ang personal na away sa tinitingnan motibo sa krimen.--FRJ, GMA Integrated News