Nauwi sa disgrasya ang masaya sanang outing ng nasa 20 kabataan nang bumangga sa poste ang sinasakyan nilang bongo truck sa Compostela, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Live nitong Lunes, sinabing papunta sana sa dagat sa Medellin ang grupo ng mga kabataan nitong weekend para ipagdiwang ang kaarawan ng isa sa kanilang kasama.

Pero pumutok umano ang gulang sa unahan ng sasakyan kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at bumangga sa poste sa Barangay Magay.

Dinala sa Danao City Hospital ang mga nasugatan kasama ang driver na mahaharap sa kaukulang reklamo. --FRJ, GMA Integrated News