Katakam-takam ang isang kakaibang bersyon ng Bicol Express sa Tabaco, Albay dahil bukod sa puno ng sili, hinaluan din ito ng mangga at orange juice.
 
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita ang ordinaryong bersiyon ng pagluluto nito kung saan ginigisa muna ang bawang, sibuyas at kamatis, bago ihahalo ang alamang, gata, at iba pang pampalasa.
 
Ipiniprito naman sa hiwalay na kawali ang pork belly.
 
Pagkaluto ng gata, ilalagay na ang orange juice at mangga at ihuhuli ang pork belly.
 
Sinabi ng ilang customer na swak ang anghang at tamis ng kakaibang Bicol Express. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News