Nililibot ng isang binata mula pa sa Bayawan City, Negros Oriental ang lahat ng tourist destinations sa Luzon gamit ang kaniyang bamboo bike o “bambike.”

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa unang Balita nitong Biyernes, sinabing sinimulan ni Antonio o "Tony" Tinga, Jr. ang kaniyang travel noong Marso.

Nabisita na ni Tinga ang mga bayan ng Baler, Ilagan, Aparri, at Cauayan.

Ayon kay Tinga, nakawawala ito ng stress, at marami pa siyang nakikilala at natututuhan.

Bukod sa kaniyang pagpasyal, adbokasiya rin niyang linisin ang mga kalsadang kaniyang nadaraanan.

Nasa Vigan sa ngayon si Tinga, at wala pang plano tungkol sa susunod niyang trip dahil gusto niya munang manatili sa lungsod. —LBG, GMA Intergrted News