Isang patay na babaeng sanggol ang natagpuan sa tambakan ng basura sa Kalibo, Aklan nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa pulisya, natagpuan daw ng isang mangangalakal ng basura sa Barangay Bachaw Sur ang bangkay na nakasilid sa isang garbage bag, iniulat ni Ava Marie Moises ng Super Radyo Kalibo sa Super Radyo dzBB nitong Sabado.

Hinihinalang nakolekta ng truck ng basura ang nasabing garbage bag ngunit hindi pa matukoy kung saang bayan ito nakuha.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —KG, GMA Integrated News